Loading the player...


INFO:
on a more serious note.. mga Pasigueño! We did it! 15-0 GITING NG PASIG!!! 🚀 Sa pamamagitan ng halalang ito, hindi lang tayo basta namili ng mga opisyales... ...Gamit ang ating mga boto, SINIGAW natin, sa pinakamalakas na paraan, na: SA PASIG, HINDI NA UUBRA ANG POLITIKA NG TRAPO. ANG HINAHANAP NA NATIN NGAYON AY POLITIKA AT PAMAMAHALA NA TAPAT, MAAYOS, AT PATAS PARA SA LAHAT. Hindi naman siguro tayo bumoto ng 15-0 kung hindi tayo naniniwalang nasa tamang direksyon tayo ngayon. Sisiguraduhin natin na pagkatapos ng aking 9 na taon bilang mayor, mas madali nang gumawa ng tama at mas mahirap nang maging corrupt sa ating Pamahalaang Lungsod. Nasimulan na nating makita ang mga bunga ng pagtataguyod ng mga prinsipyo ng mabuting pamamahala. Ngunit tiyak na mas lalo pang tatamis ang mga bunga nito sa habang tumatagal; Habang umaayos pa lalo ang mga proseso ng LGU at mas naalagaan nang mabuti ang kaban ng bayan, paganda ng paganda lamang ang mga programa, proyekto, at serbisyo ng ating LGU. Mga kapwa ko Pasigueño, maraming salamat sa tiwala't suporta. Ngunit wag nating kalimutan na may malaking bahagi ang bawat isa sa atin para maisakatuparan ang mga layuning ito. Tandaan po sana natin na 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝙂𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙨𝙞𝙜. God bless Pasig City!